Maraming mga pilipino ang sanay na sa pag-travel at batikan na sa mga paraan upang masulit ang bawat bakasyon. Marami sa kanilang mga sikreto ay inilista namin para hindi lang iilan ang nakakaalam sa mga ito, kundi sana all.
Kumuha ng mas maiikling trips
Hindi mo kailangang lumipad sa ibang bansa at magbakasyon sa loob ng dalawang linggo. Maganda itong gawin, ngunit hindi practical para sa marami. Kung meron kang dalawang linggo para magbakasyon, gamitin mo ang isang buong linggo, at hatiin mo ang natitira pang araw sa maiikling trips. Magplano ng maiikling trips sa mga lugar na magkakalapit.
Samantalahin ang free stopover programs
Ang free stopover ay karaniwang nagbibigay ng pagkakataon upang makakuha ng flights na hindi nagbabayad para sa karagdagang flight. Isa sa mga airlines na nag-ooffer nito ay ang Singapore Airlines na nagpo-provide ng hotel stay for some airport transfers.
Fly during weekdays sa halip na weekends
Kung possible, consider flying out and in during weekdays sa halip na weekends. Karaniwan na ang pinakamurang araw ng linggo to fly ay Tuesdays and Wednesdays. Kaya sa halip na mag-travel mula Saturday hanngang Friday, subukan mong umalis ng Wednesday at umuwi ng Tuesday. Pareho ng bilang ng araw datapwat mas matipid.
Tumingin sa mga city passes
Kung ikaw ay magta-travel sa major city, dapat kang mag-research ng city passes kung plano mong magpunta sa mga popular tourist spots. Maaari ka nitong i-save ng oras at kung minsan ay makakuha ng free entry sa mga museums, monuments, at iba pa.
Maghanap sa Airbnbs sa halip na hotels
Magandang mag-hotel habang nagta-travel; may naglilinis para sayo each night, you feel more secure, meron silang mga cool na amenities, atbp. Ngunit maaari din sila maging magastos. Kung isa sa goal mo ang makapag-travel ng mas matipid, mabutihing maghanap ng Airbnb rentals kung saan madalas mas cheaper. Makakahanap ka ng maliliit na apartment or bahay na marerentahan para sa ilang araw. Mas mura ito sa mga usual hotel stay.
Magresearch kung saan ka magta-travel para makaiwas sa mga unnecessary expenses
Walang dudang dapat kang mag-research kung saan ka magta-travel, ngunit hindi lahat ginagawa ito. Kung ikaw ay magta-travel sa ibang bansa, mag-research tungkol sa kanilang customs, at kung paano ka makakatipid doon para makaiwas sa mga unnecessary expenses. Halimbawa, ikaw ay sisingilin sa tubig at tinapay sa isang restaurant. Pareho itong io-offer sayo ng waiter na parang ito ay free of charge pero hindi pala. Maliliit na bagay, but they add up.
Magdagdag sa iyong business trips
Kung ikaw nagta-travel para sa work, i-take advantage ito sa pag dagdag ng iyong days sa trip at kaunting araw ng pag-stay. Magdagdag ka ng isang araw o dalawa to explore the place. I-maximize ang iyong paid time off at ang iyong business trip at the same time. Go somewhere fun and interesting.
Wag matakot sa Public Transportation
Ang public transportation sa ibang bansa ay maaring mukhang nakakatakot. Ayaw mong maligaw syempre, lalo na kung hindi mo alam ang kanilang language. Mas pinipili ng karamihan na mag-taxi or even private cars, subalit ito ay magastos. Mag-research para makasiguradong safe ang mga ito at makatipid ka sa pamasahe.
Gamitin ang sariling sasakyan
For local in-land travels, higit na mahusay gamitin ang sariling sasakyan. Sa dami ng magagandang beach at tanawin dito sa Pilipinas, hindi ka mauubusan ng pupuntahan at hindi ka rin mauubusan ng pera, kung hindi mo na po-problemahin ang transportation. Syempre, gas na lang ang kailangan mong isipin kung mayroon ka ng sariling sasakyan. Bagaman dapat pa ring isaalangalang ang pagpapanatili ng kundisyon ng iyong sasakyan, di hamak na mas matipid, safe, and enjoy pa rin itong gamitin para sa iyong nearby travels, sa halip na through public transport systems, lalo na kung kasama ang iyong pamilya at marami kayong dala.
Kung wala ka pang sasakyan, check mo ang mga best second hand car deals dito sa GoDrive.
Recent Posts
Recent Comments
Archives
Categories