Brand New man o secondhand, ang pag-aalaga sa iyong sasakyan at pagpapanatili ng optimal condition nito ay isang napakahalagang tungkulin. Sa katunayan, maraming car owners ang nagbubuhos ng malaking halaga upang madagdagan ang kahabaan ng buhay ng kanilang sasakyan. Kung nais mong sumunod at siguraduhin na ang iyong sariling sasakyan ay nasa best condition nito, basahin ang mga sumusunod.
Pagpapalit ng Langis ng Makina / Engine Oil
Sa kabila ng maraming oil manufacturers na nagke-claim na ang kanilang produkto ay maaaring tumagal ng hanggang sa 10,000 milyang tinakbo, kailangan mo pa rin baguhin ang langis ng iyong sasakyan every now and then. Ngunit kung nais mo itong magperform sa original state nito hangga’t maaari, kailangan mong palitan ito bawat 3,000 hanggang 3,500 milyang tinakbo.
Pagpapalit ng Timing Belt
Ang timing belt ng sasakyan ay isang mahalagang bahagi ng engine nito; babagsak ang engine kapag ito ay bumagsak. At kung hindi napapanatiling mahusay, maaari nitong sirain ang iyong sasakyan at mapapagastos ka ng mas mahal. Kaya naman, ang regular at maayos na pagpapalit ng timing belt ng iyong sasakyan ay lubos na mahalaga kung gusto mo itong manatiling fully functional.
Pagsusuri ng Baterya / Battery
Ang sasakyan ay tumutulong sa iyo na i-manage ang isang wide array ng mga gawain habang nagmamaneho, mula sa pagbibigay ng power hanggang sa iyong warninglights sa pagcharge ng iyong engine. Kaya naman kailangan mo itong bigyan ng wastong pag-aalaga at pagpapanatili kung nais mo itong tumagal nang mas matagal. Ngunit bago ito umabot sa katapusan ng kanyang lifespan, kailangan mong kumuha ng mga bagong baterya upang mapanatili ang iyong kotse.
Tire Change
Suriin ang mga gulong ng iyong sasakyan upang makita kung ang tread wear indicators ay nananatili sa pagitan ng mga grooves (magtanong sa isang tire dealer o isang mekaniko kung hindi mo alam kung paano). Kung oo, ang mga gulong mo ay worn-out na, at kailangan mo na agad kumuha ng bagong set.
Pagpapalit ng Brake Pad
Ang brake pads ay patuloy na numinipis habang ginagamit mo ang iyong sasakyan ng mas matagal. Kung gusto mong mapanatili ang braking efficiency na na-enjoy mo noong bago pa ito, kailangan mong tanggalin ang mga sirang brake pads at mag-install ng mga bago.
Pagsusuri ng Emission Systems
Kailangan mong regular na suriin ang emission system ng iyong kotse kung gusto mong panatilihin ito sa tip-top condition. Since karamihan sa vehicle registration centers ay nire-require ang mga motorista na gawin ito, gayunpaman, maaari mong ipagawa ang pagsusuri sa isang resident professional para sayo.
Ang paggastos ng pera para sa kapakanan ng iyong sasakyan, mula man sa iyong sariling savings o sa pamamagitan ng pagkuha ng isang car collateral loan (sangla orcr), ay maaaring mahirap sa umpisa. Ngunit kung gusto mong panatilihin ito sa top-notch condition nito, pati na rin ang pagpapanatili ng mas mataas na halaga nito hangga’t makakaya, kailangan mong mamuhunan dito at suportahan ito sa abot ng iyong makakaya.
Humanap ng mga pre-loved car units na lubos na naalagaan, dito sa GoDrive.com.ph